Mga nasirang imprastraktura ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra at mga kalapit na probinsya, pinamamadali ang pagsasaayos sa DPWH

Pinamamadali ni Senator Ramon Revilla Jr., ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno sa pagtugon at pagsasaayos sa mga nasira ng 6.4 magnitude na lindol na yumanig sa Abra at mga kalapit na probinsya.

Ikinalulungkot ng mambabatas na makalipas lamang ang tatlong buwan nang yanigin ng magnitude 7 noong Hulyo ang probinsya ng Abra ay muli na namang tinamaan ng lindol ang lugar.

Nanawagan si Revilla, Chairman ng Senate Committee on Public Works, sa iba’t ibang ahensya na bilisan ang pagresponde sa lahat ng mga kababayan na biktima ng lindol.


Hinikayat din ni Revilla ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad inspeksyunin ang ‘structural integrity’ ng lahat ng mga imprastraktura sa rehiyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan doon.

Agad ding ipinasasaayos ng senador sa ahensya ang mga luma at nasirang imprastraktura dahil sa lindol.

Muling umapela ang mambabatas sa DPWH na maging proactive sa pagsisguro sa katatagan at kaligtasan ng lahat ng mga pampublikong imprastraktura at huwag nang hintayin na lumindol, bumagyo o magkasakuna bago kikilos.

Facebook Comments