CAUAYAN CITY- Natapos na ang pagsasaayos sa mga nasirang streetlights noong kasagsagan ng bagyong Nika at Pepito sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.
Sa exclusive interview ng IFM News Team kay Barangay Admin Reygie Pascual, natapos ang pagsasaayos noong nakaraang Linggo lamang kung saan nasa limampung street lights ang nasira dahil sa malakas na hangin dulot ng mga Bagyo.
Aniya, naglaan ng P49,000 ang kanilang Barangay para sa pagkukumpuni ng mga ito kung saan karamihan sa mga ito ay nasira ang bumbilya.
Dagdag pa niya, matapos ang naranasang mga bagyo ay napag-desisyunan rin nilang bumili ng chainsaw upang may magamit sila sa clearing operation pagkatapos ng mga bagyo.
Samantala, hindi naman umano naging sanhi ng anumang krimen ang pansamantalang pagkawala ng streetlights sa lugar.