Mga nasirang tahanan bunsod ng malakas na pag-ulan at matinding pagbaha, sumampa na sa mahigit 4,000

Lalo pang tumaas ang bilang ng mga bahay na napinsala ng malakas na ulan dulot ng matinding pagbaha sa ilang rehiyon sa bansa.

Mula sa mahigit 1,000 kahapon, sinabi ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na umaabot na sa 4,068 ang mga bahay na napinsala.

3,322 na bahay ang bahagyang nasira habang 746 na mga bahay naman ang tuluyang nawasak.


Ito’y galing sa mga Region 4B, 6, 8, 9, 10, CARAGA at BARMM.

Dahil dito, pansamantalang lumikas ang mga apektadong pamilya at nanunuluyan muna pansamantala sa mga evacuation center.

Samantala, base pa sa datos, tinatayang nagkakahalaga ang mga pinsala sa kabahayan ng P41.8-M.

Facebook Comments