Mga nasirang transmission line dulot ng Bagyong Kristine, halos naibalik na lahat sa normal na operasyon —NGCP

Iniulat ngayon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na halos naibalik na sa normal na operasyon ang transmission line facilities sa Luzon at Visayas na bumigay sa kasagsagan ni Bagyong Kristine.

Ayon sa NGCP, halos lahat umano ay naibalik na sa normal ang operasyon maliban na lang sa isang transmission facility na nagsu-supply ng kuryente sa BATELEC 1 o Batangas Electric Cooperative 1, ang Calaca-Taal 69KV Line sa Region 4-A na naapektuhan ng hagupit ng bagyo kahapon nang madaling araw.

Tiwala naman NGCP na matatapos na ito sa lalong madaling panahon dahil nagpapatuloy pa ang ginagawang pagkukumpuni.


Paliwanag pa ng NGCP, ang kanilang ginagawa ay nakatuon lamang sa pagsasaayos ng kanilang transmission network at hindi kasama rito ang mga linya na eksklusibong naghahatid ng direktang koneksyon sa industrial customers, pati na ang localized disturbances na tinutugunan ng mga electric cooperative.

Facebook Comments