Mga nasirang transmission lines facilities ng NGCP, balik na normal operation

Naibalik na sa normal na operasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga nasirang transmission lines facilities dulot ng Bagyong Karding.

Sabay-sabay na isinagawa ang restoration activities ng mga line crews sa mga areas na accessible ng puntahan.

Base sa ulat ng NGCP, bago magtanghali kanina naibalik na sa normal na operasyon ang Hermosa-Floridablanca 69kV Line na magseserbisyo sa PELCO II at Famy-Comon 69kV Line na nagseserbisyo sa QUEZELCO II.


Samantala, nanatili pa ring bagsak ang 9 pang transmission lines facilities sa North Luzon.

Kinabibilangan ito ng Cabanatuan-San Luis 69kV Line, Cabanatuan-Fatima 69kV Line, Cabanatuan-San Isidro 69kV Line, Cabanatuan-Bulualto 69kV Line at Concepcion-Camiling 69kV Line.

Gayundin ang apat pang 230kV lines na kinabibilangan ng Mexico-Hermosa 230kV Line 1, San Rafael Cabanatuan 230kV Line 1, Pantabangan-Cabanatuan 230kV Line, at Mexico-Concepcion 230kV Line 2.

Dagdag ng NGCP, on-going pa rin ang pagpapatrolya ng mga line crew para sa inspection at assessment sa epekto ng bagyo sa kanilang operasyon at pasilidad.

Facebook Comments