Bagama’t bumaba na ang bilang ng mga nahuhuli sa EDSA busway, dumarami naman ang mga nasisitang motorista na inookupa ang bike lanes.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Command and Control Operation Center Chief Charlie del Rosario, marami pa ring mga pasaway na motorista na hindi sumusunod sa mga batas trapiko sa kabila ng araw-araw na paninita nila sa mga lansangan.
Tumataas daw ang bilang ng mga motorista dumaraan sa bike lane kahit alam nilang bawal silang dumaan doon.
Gayunpaman, ikinatuwa naman aniya ng DOTr na marami na sa mga pribadong sasakyan ang sumusunod sa tamang daanan, partikular sa EDSA Busway.
Samantala, nanawagan din si Del Rosario sa mga motorista na sumunod sa mga panuntunan sa kalsada upang maging maaliwalas ang biyahe ng lahat.