Mga nasita ng PNP na lumabag sa health protocols sa unang linggo ng ECQ, umabot na sa mahigit 40,000

Umabot na sa mahigit 40,000 ang mga nasita ng Philippine National Police (PNP) dahil sa hindi pagsunod sa health protocols at lockdown measures sa unang linggo ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, nag-a-average ng mahigit 5,700 violators kada araw mula August 6 hanggang 12 ang nasisita sa 34 na quarantine control points sa Metro Manila.

Pero kung isasama pa ang apat na lalawigan sa NCR plus, ang kabuuang bilang ng nahuling violators ay aabot sa 134,606 o mahigit 19,000 kada araw.


Samantala, may 2,398 non-Authorized Persons Outside of Residence (APORs) violators naman ang naitala ng PNP sa Metro Manila sa loob ng panahong nabanggit, o 343 kada araw.

Habang 3,228 non-APOR violators ang nasita sa NCR Plus, o 539 kada araw.

Paalala naman ni Eleazar sa publiko na sumunod sa mga pinaiiral na quarantine regulations dahil ang paglaban sa pandemya ay responsibilidad ng bawat isa, at hindi lang ng gobyerno.

Facebook Comments