Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasang gumamit ng iligal na paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ito ay matapos maitala ang 26 na fireworks related injury (FWRI) simula noong Disyembre 21.
Batay sa DOH, 86 porsyento itong mas mataas kumpara sa 14 na kaso sa kaparehong panahon noong 2020.
Sa 26 na kaso, pitong biktima ang kailangan ng amputation, 14 cases ang nasabugan ng paputok at anim ang may eye injury.
Nilinaw naman ng DOH na lahat ng biktima ay nasugatan dahil sa paputok at wala pang naitatalang fireworks ingestion, stray bullet injury o nasawi,
Karamihan din sa mga ito ay edad siyam hanggang 16 na naputukan ng paputok tulad ng boga, 5 star, at piccolo.
Dahil dito, pinayuhan ng kagawaran ang publiko na gumamit na lamang ng alternatibong pangpaingay sa pagsalubong sa Bagong Taon para maiwasang masugatan.