Mga nasugatan sa pagsalubong ng Bagong Taon, bumaba sa 85% ayon sa DOH

Bumaba sa 85% ang naitalang nasugatan sa pagsalubong ng Bagong Taon ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ay matapos umabot lamang sa 50 ang naitalang nasugatan sa pagpasok ng taong 2021 na naitala mula December 21, 2020 hanggang January 1, 2021.

Wala namang naitalang kaso ng mga nakalunok at nasawi dahil sa paputok.


Nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa pinakamaraming naitalang nasugatan na may 22, sinundan ng Region 4-A na may lima at Region 1, 5 at 6 na pawang may tig-apat.

Facebook Comments