Mga natagpuang sangkap ng bomba sa Maguindanao itinurn over sa militar

Abot sa limang kllo ng mga sangkap sa paggawa ng bomba na pinaniniwalaang ginawa ng mga tauhan ng Daes Inspired group na pinamumunuan ni Esmael Absulmalik alyaa Abu Turayfe lider ng Jamatul Muhajireen Al Wansar ang itinurn over ng mga sibilyan sa personnel ng Civil Military Operation Battalion sa sitio Gadong Barangay Pagatin sa bayan ng Datu Salibo sa lalawigan ng Maguindanao na natagpuan nitong Biernes Oct 6.
Ayon kay Lt.Col. Gerry Besana, CMO chief ng 6th ID ang pag turn over sa kanila ng naturang mga sangkap ay bunga ng inilunsad na massive information campaign bilang suporta sa kampanya ng 601st Infantry Brigade laban sa terorismo.
Nagdulot ng malaking banta at takot sa mga residente ang mga itinanim na IED sa gilid ng kalsada sa Datu Salibo na trabaho ng mga tauhan ni Abu Turayfe para pasabugan ang mga miembro ng Task Force Ittihad at mga sundalo na tumutugis sa kanila sa loob ng dalawang buwan.

Facebook Comments