Mga natatanggap na death threats ng ilang kaparian, hindi dapat sa kanya isisi – PRRD

Ipagsasawalang bahala na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga paring patuloy binabatikos ang kanyang pamamahala.

Ito ang pahayag ng Pangulo matapos niyang ipinawagan sa publiko na tigilan na ang pangha-harrass sa mga miyembro ng simbahan.

Sa National Peace and Order Council Meeting sa Davao City, iginiit ng Pangulo na wala na siyang pakialam kung mamatay ang mga pari dahil iniuugnay palagi nila sa kanyang pagbabatikos sa simbahan ang mga natatanggap nilang banta sa buhay.


Dapat din aniyang ihinto ng kaparian ang kanilang pananakot sa publiko tungkol sa kanilang kabanalan.

Nanindigan din ang Pangulo na hindi rin dapat isisi sa kanya ang mga natatanggap nilang death threats.

Una nang sinabi ng Malacañang na ang mga natatanggap na death threats ng ilang pari ay mula sa mga anti-Duterte trolls o personal na kaaway ng mga ito.

Facebook Comments