Mula sa dating 400 – 500 daily average calls na natatanggap ng One Hospital Command Center (OHCC), sa ngayon nagkakaroon na ng improvement o pagbaba sa bilang ng mga tawag na kanilang natatanggap.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni OHCC Medical Officer Dr. Marylaine Padlan na nitong nakalipas na linggo ay bumaba na ito sa 200-300 calls per day.
Aniya, karamihan pa rin sa mga tawag ay mula sa National Capital Region (NCR) at Region 4A.
Madalas ang mga tawag na kanilang natatanggap ay hospital admission requests ng mga moderate, severe at critical cases ng COVID-19.
Giit pa ni Padlan, malaki ang tulong ng pagbaba ng tawag na kanilang natatanggap sa OHCC.
Sa ngayon, base sa datos ng DOH hinggil sa utilization ng mga hospital facilities, nananatiling nasa critical risk ang CAR, Region II at CARAGA habang nasa high risk naman ang MIMAROPA, Region V at Region IX.