Mga natatanging civil servant, pinarangalan ni Pangulong Marcos

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga natatanging civil servants ngayong umaga kasabay ng ika-124 na anibersaryo ng Philippine Service Commission (PSC).

Ang mga nakatanggap ng awards ay ang mga kawaning nagpakita ng mahusay na ethical behavior sa harap ng mga delikado o tawag ng tukso sa kanilang pagganap sa trabaho, at nagpakita bilang role model sa kapwa civil servants.

Ayon sa Civil Service Commission (CSC), tatlong sets ng awards ang iginawad ng pangulo.


Ito ay ang Presidental Lingkod Bayan Award o ang pinakamataas na parangal para sa isang civil servant na nagpakita ng magandang trabaho sa national level.

Iginawad din ng CSC ang Pagasa Award at ang Dangal ng Bayan Award.

Layunin ng mga parangal na ito na i-motivate o kawani ng gobyerno na paghusayan ang kalidad ng kanilang trabaho at makapag-ambag sa serbisyo publiko.

Facebook Comments