MGA NATATANGING LGU, KINILALA NG DILG REGION 1 PARA SA SERBISYO PUBLIKO

Kinilala ng DILG Region 1 ang mga natatanging lokal na pamahalaan sa isinagawang CY 2025 Regional SubayBAYANI Awards sa San Juan, La Union.

Tinutukan ng selebrasyon ang dedikasyon, integridad, at mahusay na serbisyo publiko ng mga LGU at opisyal na nagpakita ng transparency, responsibilidad, at positibong epekto sa kanilang mga komunidad.

Kabilang sa mga pinarangalan ay ang Provincial Government of Ilocos Sur bilang 1st Place sa Provincial Category, City of San Fernando, La Union bilang 1st Place sa City Category, at Municipality of Sison bilang 1st Place sa Municipality Category sa lalawigan ng Pangasinan.

Nakuha naman ng DILG La Union ang unang puwesto para sa kategoryang DILG Provincial Offices.

Ayon sa ahensya, ang pagkilala ay nagpapatibay ng mensahe ng DILG na ang mahusay na pamamalakad at tapat na serbisyo ay mahalaga sa pagpapaunlad ng bawat komunidad sa rehiyon.

Facebook Comments