Mga natatanging pulis at sibilyan gagawaran ng parangal sa anibersaryo ng EPD

20

Pasig City – Tatanggap ng mga natatanging parangal ang mga karapat-dapat na pulis at sibilyan na nakapag-ambag ng peace and order sa kanilang nasasakupan sa gagawing selebrasyon ng ika-45th Eastern Police District (EPD) Founding Anniversary at 118th Police Service Anniversary na gaganapin sa EPD Multi-Purpose Hall, Barangay Malinao, Caruncho Avenue, Pasig City.

Ayon kay EPD PIO Chief Police Major Virgilio Timajo, ang naturang okasyon ay nakatuon sa pagbibigay ng parangal at pagkilala sa mga deserving EPD police officers at maging sa mga sibilyan na tumutulong upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong EPD.


Dadaluhan ang naturang parangal nina Congressman Ronaldo B. Zamora ng Lone District, San Juan City at  Police Major General  Guillermo Eleazar, Regional Director, NCRPO.

Magsilbing huwaran aniya sa mga pulis at sibilyan na dapat na pamarisan ang ginagawa ng mga awardees.

Facebook Comments

From Advertisers