Mga National Athletes at Junioirs Team na nakatira sa mga dormitoryo sa Rizal Memorial Sports Complex at Philsport Complex, pinana-aalis muna dahil sa banta ng COVID-19

Ipinag-utos na ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez sa lahat ng mga National Athletes at miyembro ng Juniors Team na lisanin ang kanilang mga dormitoryo sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at Philsports Complex sa lungsod ng Pasig.

Ito ay sa gitna na rin ng tumataas na bilang ng mga kaso ng coronavirus disease.

Ayon kay Ramirez, pinapauwi muna niya ang lahat ng atleta sa kani-kanilang mga tahanan bilang bahagi ng ipinapatupad na preventive measures ng PSC kontra sa COVID-19.


Sa ngayon, inilagay na sa “Restricted Access” ang Rizal at Philsports Complex para sa kapakanan ng mga atleta, empleyado ng PSC, at ng publiko.

Una na ring ipinagpaliban ng PSC ang pagbiyahe ng mga atleta at mga coaches patungo sa labas ng bansa mula Marso 14 hanggang Abril 15.

Facebook Comments