Mga natitira pang guerilla fronts sa bansa, ipinabubuwag na ni National Security Adviser Clarita Carlos sa loob ng taong ito

Limang guerilla fronts na lamang sa bansa ang natitira.

Inihayag ito ni National Security Adviser Secretary Clarita Carlos sa ginawang presentation ng year end accomplishment reports ng National Task Force to End Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC sa Malacañang kamakailan.

Sinabi ng National Security Council (NSC) na tiwala si Secretary Carlos na sa kabila ng ibang logistical challenges, inaasahang malulusaw na ang limang guerilla fronts na ito ngayong unang quarter ng taon.


Iginigiit ni Carlos ang kahalagahan ng momentum ng NTF-ELCAC para matapos na ang problema ng bansa sa insurgency.

Ayon sa NSC, may direktiba na si Carlos sa NTF-ELCAC na sabayan ang implementation plan at road map para mabuwag na ang lahat ng guerilla fronts sa loob ng taong ito.

Facebook Comments