
Pinapatiyak ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima na mapapalayas sa bansa ang lahat ng natitira pang Phillippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Giit ito ni De Lima, kasunod ng pagsasabatas ng Republic Act No. 12312, o “Anti-POGO Act of 2025.”
Diin ni De Lima, napakaraming perhuwisyo ang idinulot ng mga POGO, mula sa mga krimen, katiwalian, pang-aabuso, at banta sa ating pambansang seguridad.
Ayon kay De Lima, dapat ipatupad ng mahigpit ang batas upang hindi ito mapa-ikutan o mabaluktot upang maituloy pa rin ang operasyon ng POGO sa hunyangong paraan o ibang anyo.
Facebook Comments









