Marawi City – Hindi minamaliit ng Pamahalaan ang potensyal na banta ng mga strugglers o mga natitirang miyembro ng Maute-ISIS terror Group sa Marawi City.
Batay kasi sa bilang ay nasa 36 pa umano ang strugglers sa lungsod na tinutugis ng pamahalaan.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Major General Restituto Padilla, puspusan ang ginagawang hakbang ng AFP para tiyaking mahuhuli ang lahat ng natitirang terorista sa lungsod.
Paliwanag ni Padilla, malaki parin ang banta ng mga ito sa publiko dahil maaari paring umatake ng magisa ang mga ito tulad nalang ng nangyari sa New York City kung saan isa lang ang suspect sa pananagasa sa Manhattan kung saan 8 ang namatay at mahigit 10 naman ang nasugatan.
Samantala, sinabi ni Padilla na bahala na ang Department of Justice sa pagtugon na sakaling hilingin ng Indonesian Government sa pamahalaan na maextradite o mapauwi sa Indonesia ang Indonesian Daesh Member na nahuli sa Marawi City na si Muhammad Ilham Syah Putra.
Pero kailangan muna aniyang malitis ito sa Pilipinas dahil mayroon din itong kasong kinakaharap sa bansa.