Mga natulungan ng DSWD sa pamamagitan ng assistance to individuals in crisis situation, pumalo na sa halos 8-M individuals

Pinaigting pa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang kanilang ugnayan sa service providers ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS Program para mapaganda ang serbisyo sa mga nangangailangan.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, ito ay sa pamamagitan ng pagpirma ng Memorandum of Agreement na layong mapagbigay ng agaran at sapat na medical aid sa beneficiaries.

Sa ngayon, nasa walong milyong Pinoy na ang natulungan ng AICS Program sa loob ng 10 buwan.

Kabilang na rito ang 600,000 beneficiaries na nakatanggap ng guarantee letters sa ilalim ng mas pinalakas na partnership sa mga service provider.

Aniya, araw-araw ay libo-libong Pilipino ang nabibigyan ng pag-asa ng programang ito at mas lalong dadami pa sa pamamagitan ng nasabing MOA.

Kinilala naman ni Gatchalian mahalagang papel ng mga service provider sa pag-expand ng medical at social assistance sa ilalim ng AICS Program.

Facebook Comments