Aminado ang medical adviser ng National Task Force Against COVID-19 na mabagal ang bakunahan sa ikalawang booster shot ng bakuna kontra COVID-19 sa mga immunocompromised.
Ayon kay Dr. Ted Herbosa, marami kasi sa mga nasa kategoryang ito ay wala pang apat na buwan mula ng maturukan ng unang booster shot.
Aniya, hindi pa umaabot ng isang libo ang natuturukan ng booster dose mula sa mga immunocompromised.
Pero sinabi naman ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 1,900 immunocompromised ang nakatanggap ng 2nd booster shot sa National Capital Region (NCR).
Matatandaang nagsimula ang bakunahan ng ikalawang booster dose sa ilang ospital at lugar sa National Capital Region (NCR) noong Lunes, Abril 25.
Facebook Comments