Mga naunang nabigyan ng bakuna sa Lung Center of the Philippines, walang naramdaman na adverse effect

Normal at walang nararamdamang kakaiba ang kauna-unahang tao na binigyan ng bakuna laban sa COVID-19 sa Lung Center of the Philippine sa Quezon City.

Si Dra. Eileen Aniceto, isang pulmonologist at head ng Outpatient Department ng Lung Center of the Philippine.

Mismong si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang nagturok ng Sinovac vaccines kay Dra. Aniceto.


Matapos nito, binigyan siya ng vaccination card at agad na minonitor ang kanyang blood pressure at vital sign na sa ngayon ay maayos naman.

Nasaksihan ni Dra. Aniceto ang dinanas ng mga namatay sa COVID-19 kaya’t isa sa dahilan para magpasya na siya ay agad magpabakuna.

Ngayong araw, 20 katao ang babakunahan sa Lung Center of the Philippines habang 240 na katao naman kada araw ang kapasidad ng pagbabakuna nasabing hospital kada araw.

Facebook Comments