Mga nawalan ng tirahan dahil sa bagyong Egay tutulungan ng pamahalaan

Mga nawalan ng tirahan dahil sa bagyong Egay tutulungan ng pamahalaan

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Na mayroong nakahandang tulong para sa mga nawalan ng tirahan dahil sa Typhoon Egay.

Ayon sa pangulo, tinutukoy na ngayon ng pamahalaan ang mga pamilya na na nasira o tuluyang nawasak ang bahay.


“Hinahanap naman namin para makapagbigay ng assistance lahat ng partially damaged ang bahay, mga totally damaged mas mahirap dahil talagang tatayuan pa natin sila ng bahay. That’s the problem now,” ayon sa pangulo.

Sinabi ng pangulo na para sa mga basira ang tahanan, mayroong emergency support na gagawin ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ang National Housing Authority (NHA) para sila ay matulungan.

Sinabi na pangulo na magbibigay ang gobyerno ng construction materials sa mga biktima para matulungan sila na muling maitayo ang kanilang tahanan.

Mayroon pa ring mga pamilya na nananatili sa mga evacuation center sa Northern Luzon.

Siniguro ng pangulo sa mga biktima ng bagyong Egay na mamadaliin ng gobyerno ang rehabilitation efforts.

Facebook Comments