Mga nawalan ng tirahan dahil sa Bagyong Enteng, makatatanggap ng tulong pinansyal sa DHSUD

Tiniyak ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na may nakalaang pondo para sa pagpapatayo ng bahay ang mga nawalan ng tirihan dahil sa Bagyong Enteng.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi DHSUD Usec. Randy Escolango, makatatanggap ng P30,000 cash assistance ang mga may-ari ng totally damaged na bahay, habang P10,000 naman sa mga bahagyang nasira ang istraktura ng bahay.

Ang ibibigay na tulong ay sakop ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP).


Ayon kay Escolango, maaaring makipag-ugnayan sa local housing board sa mga LGU ang mga napinsala ang bahay para masama ang pangalan sa masterlist ng mga benepisyaryo.

Kailangan lang aniyang magsumite ng valid ID at pumirma sa beneficiary form para ma-endorso ng local housing board sa kagawaran.

Tiniyak naman ng opisyal na may sapat na pondo ang kagawaran para sa ayudang ibibigay sa mabibiktima ng kalamidad.

Sa ngayon, nasa P8.8 million pa lang aniya ang nagagastos ng kagawaran sa IDSAP, mula sa nakalaang P200 milyong pondo ng programa ngayong taon.

Facebook Comments