Mga nawawala sa gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga, ibinaba na sa 5

Mula 14 katao, ibinaba na lang sa lima ang pinaghahanap sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga.

Ayon sa NDRRMC, naberipika nila na buhay at nasa Porac lang din ang siyam na kataong una nang napaulat na nawawala.

Anila, may posibilidad naman na naipit sa mga gilid ng gusali na hindi pa nararating ng mga responders ang limang nawawala.


Sa tala ng NDRRMC, nananatili sa lima ang nasawi at siyam ang nailigtas sa gumuhong supermarket.

Patuloy rin anila ang search, rescue at retrieval operations sa kabila ng senyales na wala ng buhay sa nasabing supermarket.

Facebook Comments