Thursday, February 12, 2026

Mga nawawala sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3, posibleng higit pa sa 24; murder case, ipinasasampa sa may-ari ng Aleson Shipping Lines

Posibleng higit pa sa 24 ang mga nawawalang sakay ng MV Trisha Kerstin 3 na lumubog sa karagatang bahagi ng Basilan nitong Enero.

Taliwas ito sa naunang ulat ng Department of Transportation (DOTr) matapos mapuna na may mga inconsistency sa passenger manifest, dahil may mga survivor at cadaver na na-recover ngunit wala sa listahan ng mga pasahero.

Batay sa partial report ng DOTr, overloaded ang barko sa pasahero at kargamento.

Samantala, inihain ni Sen. Raffy Tulfo ang murder complaint laban sa Aleson Shipping Lines dahil sa diumano’y paulit-ulit na aberya ng mga barko ng kumpanya.

Hiniling din ni Tulfo sa DOTr na kasuhan ang 18 crew na nakaligtas sa trahedya, dahil aniya’y hindi silang gumawa ng sapat na pagtulong sa mga survivor habang lumulubog ang barko at nagkaroon pa ng sabayang pag-aagawan sa pagsusuot ng life vest.

Facebook Comments