Iisa lang ang mga nasa likod ng lahat ng mga kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police – Crime Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director BGen. Romeo Caramat sa kanyang muling pagtungo sa Department of Justice (DOJ).
Ayon kay Caramat, sa sandaling mahuli na ang mga suspek sa kaso ng mga nawawalang sabungero ay masisiwalat na ang mga utak sa likod ng pagkawala ng mga biktima.
Puspusan aniya ngayon ang pagkilos ng tracker teams ng PNP-CIDG para matunton ang mga sangkot sa kaso.
Kinumpirma naman ng isa sa mga testigo at ama ng isang nawawalang sabungero na si Butch Inonog na ang mga suspek na hinahanap ay ang roving security at chief security ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Facebook Comments