Mga negosyante, hinimok ng DOLE na mag-apply na para sa Safety Seal Certification

43

Pinag-a-apply na ng Departement of Labor and Employment (DOLE) ang mga negosyante ng Safety Seal Certification sa kanilang mga establisyimento.

Ito ay bilang tanda na sila ay sumusunod sa minimum public health standards na itinakda ng pamahalaan.


Sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na layon din nito na tumaas ang kumpiyansa ng publiko.

Sinabi rin ni Bello na ang safety seal na libre namang ibinibigay ay isang mahalagang inisyatibo ng pamahalaan na naglalayong maging ligtas ang muling pagbubukas ng ekonomiya.

Bukod sa DOLE, kasama ang Department of Tourism (DOT), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), at ang Local Government Units (LGUs) na itinalaga ng pamahalaan para mag-isyu ng safety seal.

Facebook Comments