Friday, January 30, 2026

MGA NEGOSYANTE NA MAAGANG NAGPROSESO NG BUSINESS PERMIT SA ALAMINOS CITY, TUMANGGAP NG INSENTIBO

Tumanggap ng insentibo ang mga negosyanteng maagang nag proseso at nag-renew ng kanilang business permit sa Alaminos City bilang pagkilala sa kanilang maagap na pagsunod sa mga kinakailangang regulasyon ng lungsod.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang pamimigay ng mga grocery items ay bahagi ng programa upang hikayatin ang mas maagang pagproseso ng business permits at maiwasan ang dagsa ng aplikante sa mga susunod na araw.

Layunin din nitong pasimplehin at pabilisin ang transaksyon sa ilalim ng Business-One-Stop-Shop o BOSS, kung saan isinasagawa ang pagpoproseso ng business permits sa isang lugar katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan upang maging mas episyente at maginhawa ang serbisyo para sa mga negosyante.

Sa pamamagitan nito, nababawasan ang oras at hakbang na kailangang daanan ng mga aplikante.

Patuloy namang hinihikayat ang iba pang business owners na samantalahin ang BOSS na bukas mula Lunes hanggang Biyernes, simula alas-otso ng umaga, upang maayos at napapanahong makumpleto ang kanilang business permit requirements para sa kasalukuyang taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments