Umaapela si Manila Mayor Isko Moreno sa mga producer, trader at mga nagtitinda ng baboy at manok na maglaan ng kaunting pasensya at sakripisyo.
Ito’y para masunod ang itinakda ng pamahalaan na price ceiling na P270 at P300 para sa karne ng baboy at P160 para naman sa kada kilo ng manok.
Ayon kay Moreno, idinadaan nila sa diplomasya at pakiusap ang usapin pero malinaw ang batas kaya’t kailangan ito sundin upang huwag silang mawalan ng hanapbuhay.
Iginiit ng alkalde na dapat lamang balansehin ng mga producer at vendor ang kita nila para makinabang ang mga consumers na apektado rin ng COVID-19 pandemic.
Paliwanag pa ni Moreno, huwag na sanang magkaroon ng interes ang mga nagbebenta mg baboy at manok na kumita ng malaki at mabawi ang kanilang lugi bago magsimula ang pandemya.
Aniya, ang mahalaga sa ngayon ay hindi sila nalulugi at mayroon pa rin pinagkakakitaan hindi tulad ng iba.