MGA NEGOSYANTE SA ILANG BEACH SA PANGASINAN, UMAASANG LALAKAS ANG KITA SA NALALAPIT NA MAHAL NA ARAW

Umaasa ang ilang negosyante sa ilang beach sa Pangasinan na lalakas ang kanilang kita sa pagsapit ng mahal na araw.

Ayon sa ilang shed caretaker na nakapanayam ng IFM News Dagupan, may mga nag-iinquire na para sa advance booking ng kanilang mga cottages ngunit mas nais pa rin nila ang mga walk in o mga direktang magrerenta sa araw mismo ng kanilang pagbisita.

Maaari rin umanong magkaroon ng pagbabago sa presyo ng mga nirerentahang shed dahil inaasahan nila ang magiging demand nito.

Mariin nilang paalala ang pagiging responsable dapat ng mga bibisita pagdating sa kanilang mga basura upang mapanatiling maaliwalas at malinis ang paligid at baybayin ng dagat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments