Mga negosyante sa Mindanao, hindi nababahala sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao

Mindanao – Inihayag ni Economic Development Planning Secretary Ernesto Pernia na hindi nababahala ang mga negosyante sa Mindanao sa umiiral na Martial Law at pagpapalawin pa nito ng 5 buwan.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Pernia na nakausap niya ang ilang negosyante sa Cagayan de Oro City at imbes na mabahala ay natutuwa pa aniya ang mga ito.

Paliwanag aniya ng mga negosyante, nararamdaman nila na sila ay ligtas dahil sa patuloy na pagbabantay ng mga sundalo sa mga lungsod sa Mindanao upang matiyak na hindi makapapasok ang mga terorista at iba pang kalaban ng Estado.


Binigyang diin pa aniya ng mga negosyante na mas nagiging confident o tiwala pa ang business sector sa business environment sa Mindanao.

Sinabi din ni Pernia na hindi naman lahat ng parte ng Mindanao ay nasasadlak sa kaguluhan at marami paring lugar na tahimik kahit umiiral ang Martial Law.

 

Facebook Comments