Mga negosyante, umaaray na sa biglaang pagtaas ng asukal

Umaaray na ang ilang mga negosyante sa ilang pamilihan sa Metro Manila dahil sa biglaang pagtaas ng presyo ng asukal.

Mula sa P49. 00 kada kilo, nasa P54. 00 na ang halaga ng puting asukal habang P48. 00 na ang presyo ng asukal na pula na dating P44. 00 kaya’t karamihan sa mga kanila ay nalulugi na.

Napag-alaman pa na tumataas daw ang demand ng asukal tuwing tag-init dahil karaniwan itong ginagamit sa halo-halo, palamig at iba pa.


Dahil dito, posible daw magkaroon ng problema sa suplay ng asukal kung saan maaari din daw itong magtaas pa sa mga susunod na linggo lalo na pagsapit ng mahal na araw.

Facebook Comments