Mga negosyanteng hindi sumusunod sa SRP ng pamahalaan, binalaan ng PCC

Nagbabala ang Philippine Competition Commission (PCC) sa mga negosyante sa bansa na hindi sumusunod sa Suggested Retail Price (SRP) ng pamahalaan.

Ayon kay PCC Chairperson Arsenio Balisacan, dapat magkaroon ng kontrol sa presyo ng produkto sa merkado na magiging batayan sakaling magbago ang presyo ng suplay.

Hindi rin aniya dapat dagdagan at bawasan ang dapat na presyo sa merkado lalo na ang mga essential good dahil magiging malaki ang epekto nito sa ekonomiya.


Facebook Comments