Mga negosyanteng inaresto dahil nagsamantala ngayong COVID-19 crisis, umabot na mahigit 600

Umaabot na sa 635 na indibidwal ang dinakip ng Philippine National Police (PNP) sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI) mula noong March 17 hanggang April 3 habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Nakasaad ito sa ikatlong report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na mga inaresto ay nagsagawa ng hoarding, profiteering at pagmanipula sa presyo at suplay ng personal protective equipment (PPE) at iba pang medical supplies.

Ang dati ay nakatanggap nang sa 2,987 na online complaints laban sa ilang negosyante kung saan ang 230 dito ay inendorso sa Food and Drug Administration (FDA).


Binanggit din sa report ang paglikha ng Department of Agriculture (DA), DTI at mga Local Government Units (LGUs) ng bantay presyo task force.

Inaaksyunan na rin ang Philippine Competition Commission laban ang mga nagsasagawa ng kartel at monopolya sa suplay, distribution at pagluluwas ng pagkain, gamot at iba pang pangunahing produkto at serbisyo.

Facebook Comments