Manila, Philippines – Nagbabala ang Palasyo ng Malacañang sa mga negosyante na mananamantala sa pagpepresyo ng manok sa harap narin ng kaso ng Avian Flu Virus sa Pampanga.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, mahigpit ngayon ang monitoring ng Pamahalaan sa kalidad at presyo ng mga paultry products sa pamilihan matapos ang mabilis na pagaksyon ng Department of Agriculture sa nasabing kaso.
Binalaan din ni Abella ang mga negosyanteng mananamantala sa stiwasyon at tiniyak nito na mapaparusahan ang sinomang mapatutunayan na walang kaabog-abog na nagtaas ng presyo ng Manok.
Paliwanag ni Abella, walang dahilan ng Pagtaas ng presyo dahil sa Pampanga lamang ang apektado ng Virus at marami pang napagaangkatan ng Manok sa bansa.
Tiniyak din naman ni Abella na ginagawa ng Pamahalaan ang lahat para hindi kumalat ang nasabing Virus at hindi maibenta ang mga kontaminadong manok sa mekrado.
Mga negosyanteng mananamantala sa pagpepresyo ng manok tiyak na maparurusahan ayon sa Malacañang
Facebook Comments