Mga negosyanteng Pinoy sa Hawaii, makikipagkita ngayong hapon kay PBBM

Nakatakda ngayong hapon na makipag-kita ang mga Filipino businessmen kay Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa Malakanyang.

Batay sa schedule of activity ng chief executive ngayong araw, nakatakdang mag- courtesy call ang mga opisyales at miyembro ng Filipino Chamber of Commerce of Hawaii sa Pangulo.

Inaasahan namang maibabahagi ng pangulo ang polisiya at mga nakalinyang programa ng gobyermo para mapanatili ang growth momentum ng bansa sa kanyang makakaharap na grupo ng mga Filipino traders.


Ang Filipino Chamber of Commerce of Hawaii ay sinasabing pinakamalaki at pinakamatagal nang Filipino chamber sa Estados Unidos at sumusuporta sa maraming mga Pinoy entrepreneur sa Estado.

Nang nakaraang Agosto ay nagdaos ang grupo ng kanilang ika-68 anibersaryo sa Waikiki, Hawaii.

Facebook Comments