MGA NEGOSYANTENG POSIBLENG MAAPEKTUHAN NG ROAD PROJECTS SA DAGUPAN CITY, MULING NAGPAHAYAG NG SALOOBIN

Muling nagpahayag ng saloobin ang ilan sa mga negosyanteng maaaring maapektuhan ng isinasagawang road projects sa ilang pangunahing kakalsadahan sa Dagupan City.
Matatandaan na umpisa na rin sa kahabaan ng MH Del Pilar St ang road construction kaya’t pangamba ng mga operational establishments ang ilang mga suliranin na maaaring harapin kaugnay nito.
Sa kasalukuyan, patuloy ang road elevation and drainage upgrade sa Arellano St., AB Fernandez Avenue at Perez Boulevard.

Samantala, kaugnay nito ang itinakdang petsa ng ahensyang DPWH sa pagtatapos ng mga proyekto sa buwan ng Marso hanggang Abril ngayong sa partikular na mga kakalsadahan. |ifmnews
Facebook Comments