Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko at mga negosyante na magparehistro, online seller man o may regular na negosyo.
Ayon kay Secretary Ramon Lopez, layunin nito na mabigyan ng proteksyon ang mga consumer para sakaling magkaroon ng problema sa mga biniling produkto ay madali lamang na i-trace, lalo pa kung ito ay produktong pagkain at gamot.
Makapagpapataas din kasi aniya ng kumpiyansa at tiwala ng consumers kung ang negosyo ay nakarehistro at may Certification of Product Registration (CPR).
Wala namang dapat ipag-alala kung maliit naman ang negosyo dahil may exemption naman ang mga ito sa buwis.
Sa mga paminsan-minsan lang naman na nagbebenta ng kahit anong produkto, hindi na aniya kailangan pang magparehistro.
Facebook Comments