Binalaan ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila na hindi sila magda-dalawang isip na ipasara ang mga negosyong hindi magpapatupad ng “No Mask, No Entry” habang umiiral sa buong Metro Manila ang General Community Quarantine (GCQ) dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, mahigpit pa rin na ipinapatupad ang Ordinance No. 8627 o ang pagsusuot ng face masks sa mga pampublikong lugar kung kaya’t ang bawat indibidwal na nasa territorial jurisdiction ng lungsod ng Maynila ay kinakailangan na magsuot ng face masks.
Sa mga lalabag sa nasabing ordinansa ay pagmumultahin ng ₱1,000 para sa first offense, ₱2,000 para sa second offense, at ₱5,000 o isang buwan na pagkakabilanggo o parehong parusa para sa ikatlo at magkakasunod na paglaba
Samantala, nagbabala rin ang Alkalde sa ilang mga barangay sa Lungsod na hindi siya magdadalawang-isip na isailalim sa “lockdown” ang kanilang lugar.
Ito’y sa oras na isawalang bahala nila o magpabaya sila sa mga ipinapatupad na quarantine protocol ng gobyerno hinggil sa umiiral na GCQ.
Umaasa ang Alkalde na tututukan ng mga kapitan ng barangay ang kanilang nasasakupan upang makontrol ang paglaganap ng COVID-19 habang nasa ilalim mg GCQ ang kalakhang Maynila.