Mga negosyong kumukonsumo ng maraming tubig, hinikayat ng MWSS na magtipid

Pinayuhan ng Metrpolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ang mga negosyong malaki kumonsumo ng tubig na magtipid sa gitna ng nararanasang water crisis.

Nabatid na patuloy sa pagbaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam na siyang nagsusuplay ng 90 percent ng tubig sa Metro Manila.

Kabilang sa mga pinagtitipid ng MWSS ay mga negosyong may car wash, swimming pool at golf courses.


Una nang hinimok ng MWSS ang mga Local Government Unit na suspendihin muna ang mga aktibidad na malakas ang konsumo ng tubig gaya ng mga resort.

Pero kay Union of Local Authorities of the Philippine President at Quirino Governor Dakila Cua, mahihirapan ang mga LGU na gawin ito dahil turismo ang isa sa pinagkakakitaan ng mga tao.

Sa halip, pagtutuunan na lang aniya ng mga LGU na ayusin ang mga tagas sa kanilang mga water system at laging papaalalahanan ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig.

Facebook Comments