Mga negosyong may micro herd immunity, planong taasan ng kapasidad ng pamahalaan – Roque

Maaaring ikonsidera ng pamahalaan na luwagan ang capacity limits sa workplaces kapag maraming manggagawa ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaasahang sisilipin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang micro herd immunity proposal kapag nagpadala na ng formal letter si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion hinggil dito.

Ang micro herd immunity sa mga mall, factories at workplaces ay maaabot kapag nabakunahan ang 80-porsyento ng workforce para mabilis na makabangon ang ekonomiya mula sa pandemya.


Maitatatag nito ang ‘safe spaces’ kapag ang vaccination ay umabot sa mga opisina, pabrika at iba pang gusali.

Facebook Comments