Sinimulan na ang orientation seminar ng mga neophyte congressmen na sasabak sa 18th Congress.
Inumpisahan kaninang umaga ang seminar ng 1st batch ng mga baguhang kongresista na nasa 21 ang bilang.
Ang seminar sa Linggo ito ay tatagal hanggang June 19 at mayroon pa sa June 24 hanggang 26 at July 1 hanggang July 3 naman sa susunod na buwan.
Dito ay ituturo sa mga neophyte lawmakers ang legislative process, budget process, ang trabaho ng mga legislative committees, ang daloy ng parliamentary procedures at iba pang hakbang sa pagawa ng panukala.
Ang seminar ay isinasagawa ng University of the Philippines-National College of Public Administration and Governance o UP-NCPAG kung saan gagawa ng mock sessions, mock committee hearings at iba pa.
Sa taya, inaasahang nasa 304 hanggang 306 na ang kabuuang bilang ng mga kongresista sa 18th Congress habang 135 hanggang 145 sa bilang na ito ay mga baguhang kongresista.