Sasailalim sa orientation ang mga neophyte members ng Mababang Kapulungan ng Kongreso simula ngayong araw.
Ang orientation sa mga bagong miyembro ng House of Representatives ay tatagal ng tatlong araw, o mula ngayong araw hanggang Miyerkules o June 27 hanggang June 29.
Katuwang sa gagawing orientation ang University of the Philippines-National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG) at mga batikang mambabatas.
Ngayong unang araw, tatalakayin ang isyu at hamon na kinakaharap ng Philippine Development, Public Policy at Legislative Process.
Kasama rin sa mga pag-uusapan ang budget process, legislative committees, legislative ethics and accountability, parliamentary rules and procedures at paano makiki-salamuha sa kanilang constituents, adbokasiya, media at cybersecurity.
Sasalang din ang mga bagong kongresista sa mock committee meetings at mock plenary sessions.