MANILA- Gamit ang hashtag na #PiliPinasDebate2016, Nakiisa ang mga netizens sa 2nd Presidential Debate sa UP-Cebu kahapon.Marami ang nainip sa pagkaantala ng debate pero marami rin ang nagsabing mas okay at mas naging mainit ang debate kahapon kumpara sa naunang presidential debate.Nagkainitan sina LP Standard Bearer Mar Roxas at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa usapin ng pagsugpo sa kriminalidad sa bansa.Hinamon ni Roxas si Duterte kung paano nito magagawa ang kanyang pangako na pagsolusyon sa krimen sa loob lang ng anim na buwan.Binara naman ni Duterte si Roxas at ipinasa dito ang responsibilidad sa pagresolba ng krimen.Ang mainit na diskusyon ay nauwi sa pagkwestyon sa degree ni Roxas sa Wharton kung saan pinatutsadahan ni Binay na baka seminar lang sa Wharton ang dinaluhan ni Roxas.Sa kabilang banda, kinuwestyon din ni Vice-President Jejomar Binay ang pagsuporta kay Senator Grace Poe ng negosyanteng si Danding Cojuangco na sangkot sa kontrobersyal na Coco Levy Fund.Itinanggi naman ni Poe ang mga paratang ni Binay at tiniyak na nasa gobyerno pa ang perang dapat ipamahagi sa mga magsasakakang benepisyaryo ng Coco Levy Fund.Sa pagtatapos ng debate ay kanya-kanyang pangako ang iniwan ng mga kandidato kung saan nagpahayag ng pagmamalasakit sa kapwa Pilipino si Binay; habang nanawagan ng pagpapatuloy sa Daang Matuwid si Roxas.Dadagdagan naman ni Poe ang pondo sa mga kulungan sa bansa; habang sosolusyunan ni Duterte ang krimen, droga at katiwalian sa pamahalaan.
Mga Netizens, Nakiisa Sa Mainit Na Sagutan Sa 2Nd Presidential Debate Sa Up-Cebu
Facebook Comments