Bilin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga bagong upong Philippine Ambassadors Extraordinary at Plenipotentiary na ipagpatuloy ang pag-promote ng magandang relasyon sa ibang mga bansa.
Ang bilin ay ginawa ng pangulo sa isinagawang courtesy call kahapon ng Philippine Ambassadors kay Pangulong Marcos sa Malacañang.
Sa isinagawang courtesy call, muling pinagtibay ng pangulo ang kaniyang commitment na panindigan ang nation’s independent foreign policy at tiniyak din sa mga diplomats na sa kaniyang administrasyon ay magiging buo ang suporta sa mga ito sa pamamagitan ng patuloy na pagpapadala o pagde-deploy sa mga bansang kanilang magiging assignment.
Ang Philippine Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ay binibigyan ng full authority para maging representative ng bansa sa foreign court.