Walang pinapakitang sintomas ng COVID-19 ang 163 Filipino na ni-repatriate pabalik ng bansa mula Macau.
Ayon kay Foreign Affairs Asec. Ed Meñez sa Laging Handa press briefing sa Malakanyang ang mga ito ay kasalukuyang sumasailalim sa home quarantine.
Matatandaan nuong Sabado, iniuwi ang 163 stranded Filipino sa Macau dahil sa ipinatutupad na flight cancellation.
130 sa nasabing bilang ay OFWs, turista, menor de edad, senior citizens, limang sanggol at 28 OWWA members.
Samantala, tiniyak ni Meñez na mahigpit na mino-momitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa iba’t-ibang panig ng mundo kasunod ng pagdami ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19.
Handa, aniya, ang pamahalaan na iuwi ang mga naiipit o stranded pa nating mga kababayan mula sa mga bansang may kaso ng COVID-19.