Mga nilalaman ng nilagdaang kasunduan sa pagitan ng China at Pilipinas, dapat malaman ng publiko – VP Robredo

Nanawagan si Vice President Leni Robredo ng transparency hinggil sa 19 na business deals na nilagdaan ng Pilipinas at China.

Ito ay kasabay ng pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Belt and Road Forum.

Sinabi ni Robredo – nararapat lamang na malaman ng publiko ang nilalaman ng mga kasunduan.


Interesado si Robredo na makita ang terms ng mga agreement, maging ang compliance at implementation ng deals sa Pilipinas.

Una nang sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo – na ang mga nilagdaang kasunduan ay magpapalakas sa sektor ng enerhiya at imprastraktura.

Inaasahang makakalikha rin ito ng higit 21,000 trabaho para sa mga Pilipino.

Facebook Comments