Mga ninja cop, maunang mamamatay, ayon kay Pangulong Duterte

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ‘ninja cops’ o mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.

Sa kanyang talumpati sa Parañaque City kagabi, binanatan ng pangulo ang mga ito na pawang mga diyos ang tingin sa sarili.

Dagdag pa niya, mamamatay ang lahat sa mundong ito pero mauuna ang mga kriminal na pulis.


Banta pa ni Pangulong Duterte, hindi dapat magpakampante ang masasamang tao dahil lahat ng tao sa mundong ito ay masasama.

Hindi anya siya magdadalawang isip na maging masama kung pipigilan ng masasamang tao ang pag-unlad ng bansa.

Facebook Comments