Mga nire-repatriate na mga Pinoy mula Libya, patuloy na nadaragdagan

Labing isa pang Filipino mula Tripoli, Libya ang dumating na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Dahil dito umabot na sa walumput walong ang kabuuang bilang ng mga na repatriate mula noong Abril.

Ang labing isa ay kabilang sa ikapitong batch ng Filipino na tinulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Tripoli.


Muli pinayuhan ng Embahada ang mahigit isang libo pang mga Filipino sa Tripoli na manatiling mapagbantay at gawin ang mga kinakailangan pag- iingat habang nagpapatuloy ang labanan sa labas ng kapital.

Sinabi ni Chargé d’Affaires Elmer Cato, ang mga Filipino ay dapat agad na lumikas sa mas ligtas na lugar, kung ang labanan ay malapit sa kanilang mga tirahan o lugar ng trabaho.

Idinagdag ng opisyal na handa ang Embahada na tulungan ang mga Filipino na maaapektuhan ng labanan sa labas ng Tripoli mula pa noong Abril na kumitil ng buhay sa halos pitong daang tao.

Facebook Comments